By

Crackdown sa foreign activists nakaaalarma na – Pangilinan

Sharing is caring!

Tinuligsa ni Senador Kiko Pangilinan, pangulo ng Liberal Party, ang pag-aresto ng Bureau of Immigration (BI) sa 71-anyos na madreng Australyano na si Sister Patricia Fox.

Ayon kay Pangilinan, nakaaalarma ito dahil lumilitaw na nag-uumpisa na ang crackdown sa mga dayuhang aktibista na tumutungo sa bansa.

Tinukoy na bago damputin ng mga ahente ng BI si Fox, ipina-deport ang European human rights activist na si Giacomo Filibeck.

Si Filibeck ay opisyal ng Socialist Party ng European Union na agad pinabalik sa bansang pinanggalingan nu’ng dumating sa paliparan sa Mactan Airport noong Linggo dahil sa panghihimasok sa mga isyu sa bansa partikular sa drug war.

Ayon kay Pangilinan, maituturing nang harassment ang ginawa kina Fox at Filibeck na inaresto nang wala naman sa gitna ng kilos-protesta.

Dahil dito, lalo umanong matatanong ang gobyerno kung ano ang itinatago nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?