189
views

By

US companies, bawal nang magbenta sa ZTE ng China

Sharing is caring!

Pinagbawalan ng Estados Unidos ang mga kompanyang Amerikano na magbenta ng mga component sa Chinese telecom company na ZTE Corp.

Ayon sa US Department of Commerce, ang direktiba ay tatagal ng 7 taon.

May kinalaman ito sa pag-amin ng ZTE noong nakaraang taon sa isang federal court sa Texas sa pakikipag-sabwatan para sa iligal na pagbebenta ng mga produkto at teknolohiya sa Iran na mahigpit na ipinagbabawal ng Estados Unidos.

Una rito nagbayad ang ZTE ng $89M na multa at pinagbabayad pa ng karagdagan $300M penalty dahil sa nasabing paglabag.

Bahagi ng kasunduan sa ZTE ang pangako na pagsibak sa puwesto ang 4 nitong senior employee na sangkot kontrobersiya at pagdisplina sa 35 iba pa kabilang ang pagtapyas sa bonus ng mga ito.

Nitong nakaraang Marso, inamin ng ZTE na hindi pa nila nadidisiplina ang mahigit 30 nitong opisyal pero sinibak na nito ang 4 nitong senior employee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?