32
ofw
By

200 pang OFW mula Kuwait, pabalik-Pinas na

Sharing is caring!

Nasa 200 overseas Filipino worker (OFW) mula sa bansang Kuwait ang nakatakdang umuwi sa Pilipinas Martes ng umaga, Abril 17, 2018.

Ang panibagong batch ng mga OFW na kabilang sa mga nabigyan ng Amnestiya ng pamahalaan ng Kuwait ay lalapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sakay ng Qatar Airways flight QR934.

Naka-abang sa mga Pinoy worker ang mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magbibigay ng tulong pinansyal sa mga ito.

Binigyan lamang ng Kuwaiti government ang mga overstaying at undocumented na mga foreign workers sa kanilang bansa kabilang ang mga Pinoy nang hanggang Abril 22, 2018 para tanggapin ang alok na amnestiya ng Kuwait.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?