22

Dec 2, 2021 @ 17:54
By

564 bagong kaso ng Covid 19 sa ‘Pinas naitala – DOH

Umabot sa 564 ang naiulat na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Huwebes.

Batay sa datos ng Department of Health, pumalo na sa 2,833,473 ang kabuuang kaso ng coronavirus sa bansa.

Mayroon namang 15,188 active cases sa kasalukuyan.

Nadagdagan naman 694 ang bilang ng mga gumaling sa sakit na may kabuuang 2,769,533.

Habang 40 naman ang nadagdag sa mga namatay na umabot sa kabuuang 48,752.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?