By

South African icon Winnie Mandela, inilibing na

Sharing is caring!

Inihatid na sa huling hantungan ang labi ng dating maybahay ni Nelson Mandela at kilalang anti -apartheid advocate na si Winnie Madikizela-Mandela.

Bago tuluyang inilibing ang labi sa Johannesburg, dinagsa ng libo-libong tao ang lamay ng African Icon sa isang stadium sa Soweto kung saan ito binigyan ng high level send-off.

Ang kabaong ni Ginang Mandela ay pinatungan ng watawat ng South Africa.

Nagbigay ng eulogy sina South African President Cyril Ramaphosa at anak ng South African icon na si Zenani Mandela-Dlamini.

Matatandaamg namatay ang dating misis ni Nelson Mandela noong April 2 sa edad na 81 dahil sa matagal na nitong ini-indang sakit.

Sa libing, kinastigo ng anak nito na si Zenani ang mga grupo na pinangunahan ang smear campaign laban sa kanyang ina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?