By

Airstrike sa Syria, handang ituloy ng US-VP Pence

Sharing is caring!

Handa ang Estados Unidos na ituloy ang ginawa nitong airstrike laban sa Syria dahil sa diumanoy chemical attack nito sa sariling mga kababayan.

Sinabi ito ni US Vice President Mike Pence sa Summit of the Americas noong Sabado sa Lima, Peru kung saan nito kinatawan si President Donald Trump.

“The US is prepared to sustain this effort if necessary,” sabi ni Pence.

Ibinida pa nito na napilay ng US-led airstrike ang kakayahan ng Syria para gumawa ng chemical weapon.

Sa pakikipag-usap ni Pence sa sidelines ng summit kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau, sinabi nito na ipinakita nila sa buong mundo na hindi kukunsintihin ng US ang mga chemical weapon.

Dagdag ni Pence, umaasa siya na tatalikuran na ng Russia at Iran ang paggamit nito ng chemical weapon sa mga inosenteng sibilyan.

Tinawag naman ni Trudeau ang airstrike sa Syria na “unfortunate but necessary.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?