131
student
By

Ex-brgy. chairman na most wanted sa Cavite City, laglag sa buy bust

Sharing is caring!

Arestado ang isang dating Barangay chairman at wanted na lider ng isang gun-for-hire-group sa Cavite City sa isang buy bust operation sa Surigao City.

Kinilala ang suspek na si Ronald Francisco alyas Ka Onad, kabilang sa most wanted person sa Cavite at lider ng Ronald Francisco gun-for-hire group na nag-ooperate sa buong lalawigan ng Cavite.

Ang buy bust operation ay ikinasa ng pinagsamang elemento ng Drug Enforcement Unit ng Cavite City Police at CIDG Task Force unit Surigao del Norte sa Purok 2 Barangay Sabang, Surigao City.

Binentahan ng suspek ng P500 halaga ng shabu ang undercover na pulis kaya agad itong dinampot.

Sinilbihan din ito ng arrest warrant para sa kinakaharap nitong kasong murder.

Nakumpiska mula kay Francisco ang isang kalibre 45 baril, 3 bala, buy bust money at 8 plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }