By

12 checkpoint, inilatag ng MPD sa pagsisimula ng election period

Sharing is caring!

Naglatag na ang Manila Police District (MPD) ng 12 checkpoint para sa pag-uumpisa ng election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo.

Ayon kay MPD Director Chief Supt. Joel Coronel, 24 oras ang implementasyon ng kanilang mga checkpoint na nakakalat sa ibat-ibang bahagi ng lungsod.

Unang tinutukan ng chekpoint ng MPD ang area ng Bonifacio Shrine kung saan ito nagpahinto ng mga motorista at isang bus.

Kaugnay nito, umaapela si Coronel sa publiko na makiisa sa kanila sa pagtiyak na hindi malalabag ang gun-ban at iba pang batas sa eleksyon.

Samantala, ipinaalala ni Comelec Spokesman James Jimenez ang mga bagay na dapat sundin sa mga checkpoint.

Kailangang aniyang may signage na malinaw na nagsasabi na ito ay isang Comelec checkpoint.

Nakalagay sa signage ang pangalan ng opisyal ng PNP na nagpapatupad ng checkpoint, nakakasakop na istasyon ng pulis at numerong dapat na tawagan kung may reklamo ang publiko.

Naka-puwesto dapat aniya ang checkpoint sa isang maliwanag na lugar at ang mga pulis ay naka-uniporme.

Dapat Visual inspection o plain view doctrine lamang ang paiiralin ng mga pulis sa mga checkpoint.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?