37
views
jet-li

Jet Li, Gong Li eeksena sa ‘Mulan’ live-action movie

Sharing is caring!

Dalawang sikat na Chinese actors ang isasahog sa live-action adaptation ng Disney film na “Mulan”.

Kasalukuyan na umanong kinakausap sina Jet Li at Gong Li na gumanap sa major roles sa pelikula.

Si Jet ang gaganap na emperor ng China, habang si Gong ang makapangyarihang witch.

Isa umano sa pagbabago sa pelikula ang pagkakaroon ng kapatid na babae ni Mulan, na bibigyang-buhay ni Chinese-Vietnamese actress Xana Tang.

Nakalinya rin umanong maging cast si Donnie Yen.

Si Liu Yifei ang siyang napili bilang “Mulan” sa live-action movie.

Inaasahang ipapalabas sa mga sinehan ang “Mulan” sa March 27, 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?