68
duterte-xi1
By

$9.5B na investment, pasalubong ni Duterte mula sa China trip

Sharing is caring!

Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang $9.5B na halaga ng investment na naiuwi niya sa kanyang maikling biyahe sa China.

Dumating ang PAL flight PR001 sakay si Duterte sa Davao International Airport mula sa Hong Kong pasado 1:00 ng umaga.

Nagtungo si Duterte sa China para dumalo sa Boao Forum for Asia sa Hainan at sa Hong Kong para i-ulat sa mga miyembro ng Filipino community ang resulta ng kampanya ng kanyang administrasyon laban sa kriminalidad, droga at katiwalian.

Bukod sa mga Chinese Investment, nag-uwi din si Pangulo ng $5M halaga ng grant at trabaho para sa 10,000 Pilipino.

Naging matagumpay din ang bilateral meeting ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping na kapwa nagkaisa na bumalangkas ng framework para sa posibleng joint exploration sa West Philippine Sea.

Pinag-usapan din ng dalawang lider kung paano palalawigin pa ang ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas at China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?