409
views

By

4 na spitting cobra, nakita sa basurahan

Sharing is caring!

Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa panghuhuli ng mga “endangered species” kabilang ang spitting cobra.

Ginawa ito ng DENR matapos na matagpuan ang apat na Philippine spitting cobra sa loob ng isang ibinasurang maleta sa Pasay City.

Nakalagay ang mga mature spitting cobra na isang endangered species sa loob ng mga water bottle kasama ang mga gamit na panghuli ng ahas at pagkolekta ng venom o kamandag nito.

Posibleng matagal nang nahuli ang mga cobra dahil sa mahina na ang mga ito.

Ipinaubaya na ang mga ahas sa Manila Zoo na isa sa designated wildlife rescue center ng DENR kung saan ginamot ang ilang sugatang ahas.

Ayon sa DENR, mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 9147 (Wildlife Conservation and Protetion Act) ang paghuli, pag-aalaga at pagbebenta ng spitting cobra at ipang endangered species.

Lahat ng mapapatunayang lalabag sa batas na ito ay maaaring makulong ng hanggang 6 na taon at pagmultahin ng hanggang P500,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?