recto
By

Magarbong publicity para sa bagong Boracay, ihanda na – Recto

Sharing is caring!

Iminungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na paghandaan ang magarbong pagbubukas ng Boracay Island matapos nitong isailalim sa rehabilitasyon.

Dapat aniyang magkaroon ng magarbo at maingay na publisidad sa buong mundo para malaman ng lahat na bagong bihis at bagong linis ang isla.

Kung maibabandera na naibalik ang dating ganda at linis ng Boracay, tiyak umanong mababawi ang anim na buwang pagsasara ng isla na balak umpisahan sa Abril 26.

“Makeovers are regular occurrences in the hospitality sector. When these facilities re-open, they attract more customers who are curious about the improvements or new attractions. In the end, the income lost during the renovation is immediately recouped,” ayon kay Recto.

Maari umanong gamitin ng Department of Tourism (DOT) ang P1.15 bilyon na badyet nito ngayong 2018 para sa mga advertisement at promotional campaign para makapag-imbita ng mga turista.

Maari aniyang puntiryahin ang mga turista buhat sa China, South Korea at Japan.

Iminungkahi rn na hikayatin ng gobyerno ang pribadong sektor at ang netizen na tumulong sa paghikayat ng mga turista sa Boracay.

“Ang gagaling nating gumawa ng memes. Gawin natin ‘yan para sa Boracay. Pero yung positive, para maengganyo ang mga turista na bumalik pagkatapos ng anim na buwan na rehabilitasyon. Tap the social media influencers. At kung sinuman ang mga commanders ng troll armies, masabihan sila na tumulong din,” dagdag ni Recto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?