pasig-river1
By

Bangkay ng lalaki nasungkit ng PCG sa Pasig River

Sharing is caring!

Narekober ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang nalunod sa ilalim ng C6 Bridge, Brgy.Pinagbubatan, Pasig City.

Ang Coast Guard Station Pasig-Special Operation Unit ang nakarekober sa bangkay ng biktimang si Joel Tabios, 25 anyos, residente ng Purok 5 Blk 8, Urban Poor Neighbor Homes, Taguig City.

Mismong ang ina ng biktima na si Emily Tabios ang kumilala sa bangkay ng anak na nagpakamatay dahil sa problema sa pera at kalusugan.

Matapos marekober ay isinalin na sa pangangalaga ng Philippine National Police (PNP) homicide division ang bangkay at dinala sa Saint Bernadette Funeral Homes para sa tamang disposisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?