21

Jun 24, 2022 @ 11:48
By

5,523 aktibong kaso ng Covid naitala

Naitala ang 5,523 na aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Huwebes, batay sa ulat ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, ito ay matapos maiulat ang 716 na pinakabagong kaso ng Coronavirus.

Tumaas na sa 3,698,509 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng naturang virus sa bansa.

Samantala, nakapagtala ang Metro Manila ng pinakamaraming impeksyon na umabot sa 3,002 sa nakalipas na dalawang linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?