4

Sep 16, 2020 @ 15:27
By

550K bata sa US nagpositibo sa COVID-19

Na-test na infected ng coronavirus disease ang halos 550,000 bata sa Amerika simula ng pandemya.

Ayon sa report ng American Academy of Pediatrics and the Children’s Hospital Association, kabuuang 72,993 bagong kaso ng COVID-19 sa mga bata ang iniulat mula August 27 hanggang September 10.

Kaya sa kabuuan ay sumampa na sa 549,432 ang COVID-19 case sa mga bata ang naitala sa US.

Sa kabila nito, bihira ang severe illness dahil sa COVID-19 sa mga bata.

“However, states should continue to provide detailed reports on COVID-19 cases, testing, hospitalizations, and mortality by age and race/ethnicity so that the effects of COVID-19 on children’s health can be documented and monitored,” sambit sa report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?