136

Sep 26, 2021 @ 14:48
By

55 politiko lumipat sa Lakas-CMD

Lumipat sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang 55 politiko, ayon kay House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Sina La Union Rep. Sandra Eriguel, chairperson ng House Committee on Inter-parliamentary Relations and Diplomacy, at Nueva Vizcaya Rep. Luisa Lloren Cuaresma ay nagpalakas sa pwersa ng Lakas-CMD sa Kamara de Representantes.

Sa kanilang pagsali ay 28 na ang bilang ng Lakas-CMD sa Kamara de Representantes. Ang partido ay mayroon ding kaalyadong 22 party-list Representatives.

Pinalitan ni Eriguel si Dr. Willie Ong bilang Lakas-CMD Vice President for Health Services at si Cuaresma naman ay itinalagang Vice President for Local Government Concerns.

Si Eriguel ay galing sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan at si Cuaresma ay mula sa National Unity Party.

Ang negosyanteng si Katrina Gloria Ponce Enrile, anak ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ay tatakbo sa pagkakongresista ng Cagayan sa ilalim ng Lakas-CMD.

Nasa Lakas-CMD na rin sina Quezon City Councilors Nikki Crisologo at John Defensor, Christian Ryan Bustamante na tatakbo sa pagka-alkalde ng Oas, Albay at Franz William Ernest Belgica na tatakbo sa pagka-konsehal sa San Juan City.

“In line with our commitment to serve the people, we continue to open our doors to leaders inside and out the House of Representatives,” sabi Romualdez, pangulo ng partido.

Ang mga taga-Pagudpud, Ilocos Norte na sina Rafael Ralph Benemerito II (incumbent mayor), Melvyn Calvan II, Nestor Asuncion, Rex Constantine Benemerito Jr, Mercedes Carizal, Efren Cimatu Jr, Nathaniel Edu, Imelda Llanes (Former Mayor), Reyland Tabios, at Melvin Viernes at lumipat na sa Lakas-CMD.

Sumama na rin kay Romualdez sina Josias Geraldino Olaf Gotladera, Nieva Grafil,

Edgar Egay Calupit, at Neil Monforte ng Bulan, Sorsogon; gayundin sina Gil Melitante, at Ringo Gruta ng Juban, Sorsogon.

Sumali na rin sina Sharon Rose Glipo Escoto, Sixto Funelas Estareja, Ana Embile Encinares, Renato Espadilla Escandor, Leo Pura Escaros, Ramilo Sarmiento Fajardo, Romeo Escarcha Forcadilla, Danilo Jao Pura, Reymundo Quiñones, Alvin Espadilla Rosales, at Aiza Embile Encinares mula sa Gubat, Sorsogon.

Sina Carlito Fortuno, Rico Entac, Lito Diaz, at Rey Mendoza ng Barcelona, Sorsogon ay nanumpa na rin bilang miyembro ng partido.

Sumali naman mula sa Bulusan, Sorsogon sina Reuel Fortades, Billy Guevarra Fortes, Bernardo Freo, Vicente Yap, Grace Halum, Celestino Frades, Dr. Lorenzo

De Castro, at Reynaldo Fulleros.

Ang iba pang sumali sa Lakas-CMD ay sina Brette Bautista ng Malita, Davao Occidental; Adelan de Arce ng Saranggani; Valenzuela City Councilor Ricardo Ricarr Enriquez; Ma. Antonietta Villaroza at Jover Tria Viray mula sa Occidental Mindoro; Emilito Salinas Lontoc ng Noveleta, Cavite, at Perla Tumaliuan ng Cagayan.

Jolo Romualdez ng Opol, Misamis Oriental ay sumali na rin sa Lakas-CMD kasama ang kanyang mga kagrupo.

Nauna rito ay nanumpa bilang mga miyembro ng Lakas-CMD sina Cavite Vice Governor Ramon “Jolo” Revilla III, ang aktor na si Nash Aguas at retired Gen. Lope Dagoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?