158
espejo
Apr 21, 2018 @ 18:07

55 points pinalo ni Espejo; Ateneo nakapuwersa ng do-or-die vs FEU

Nagpakawala ng league record na 55 points si Marck Espejo para buhatin ang Ateneo sa pagpapatumba sa Far Eastern University, 18-25, 25-13, 24-26, 25-23, 15-9, sa UAAP Season 80 volleyball tournament ngayong Sabado sa MOA Arena.

Nahila ng Blue Eagles para sa do-or-die match sa Miyerkules ang may twice-to-beat na Tamaraws.

Umiskor ng 10 puntos sa 5th set ang 4-time MVP na si Espejo para bigyan ng pagkakataon ang Ateneo na mabulisyaso ang FEU.

Bunga nito, may pagkakataon na sina Espejo, Ish Polvorosa at Karl Baysa na maka-graduate na may hawak na kampeonato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?