35

Jan 11, 2022 @ 15:49
By

55.3% ng guro sa NCR may sintomas ng COVID — Rep. Castro

Nagpahayag ng pagkabahala si House Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro sa ulat na 55.3% ng mga guro sa National Capital Region (NCR) ang nakararanas ng sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Castro, lumalabas din sa survey ng Alliance of Concerned Teachers-NCR Union na 84.7% ang patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng nararanasang sintomas at 76.2% ang nagsabi na wala silang natanggap na tulong o suporta mula sa kanilang division o eskuwelahan.

“These are very alarming numbers. What is the Department of Education doing to support our teachers during this time when many of their employees are sick?” tanong ni Castro.

Ayon kay Castro nananawagan ang mga guro sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 ng health break upang maituon ang kanilang atensyon sa pagpapagaling o sa kanilang kapamilya na may sakit.

Umapela naman si Castro sa DepEd na tiyakin na hindi padadaluhin ang mga guro sa webinar habang naka-health break.

“As the country continues to experience the onslaught of the COVID-19 pandemic, we continue to call for the need for the government to conduct free mass testing, have adequate contact tracing, ensure there are sufficient and accessible facilities and medical supplies for affected individuals and families and aid for the most affected Filipino families amid this COVID surge,” wika pa ng lady solon.

Iginiit din ni Castro ang pangangailangan na matutukan ng DepEd kung sinu-sino at ilang guro at kawani na nito ang nahawa ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?