167
views

By

Aircraft carrier USS Theodore Roosevelt, dumaong sa Maynila

Sharing is caring!

Sa pangalawang pagkakataon ngayong taon, dumaong ang US aircraft carrier na USS Theodore Roosevelt sa Manila Port makaraang magpatrolya sa West Philippine Sea.

Kasama nitong dumating ang Carrier Air Wing 17 at ang guided-missile cruiser na USS Bunker Hill.

Bahagi ito ng port visit sa Pilipinas ng Nimitz-class aircraft carrier na nakatakdang makilahok sa ibat-ibang community relations at cultural exchange programs sa Pilipinas ayon sa US Embassy.

Armado ang USS Theodore Roosevelt ng 65 na supersonic F18 jets, mga spy planes at mga helicopter.

Dalawang beses kada taon, nagde-deploy ang US Navy ng mga destroyer para magpakita ng lakas at magsagawa ng freedom of navigation sail-by malapit sa Scarborough Shoal at Mischief Reef na parehong inaangkin ng China at Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?