26
sk
By

Comelec idinepensa ang SK elections

Sharing is caring!

Sinalag ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkakaroon ng Sangguniang Kabataan (SK) elections laban sa mga pag-atake ng ilang indibiduwal at grupo.

Iginiit ni Comelec spokesman James Jimenez na maling isipin na ang youth council ay walang nagagawa at nagiging ‘breeding ground’ lang ng katiwalian.

Sinabi nito na ang layon ng SK, ay magkaroon ng daan para mailabas ng mga kabataan ang kanilang pagmamahal sa bayan at kapwa sa pamamagitan ng pagseserbisyo bilang mga halal na opisyal.

“Hindi sila mga tanga. Marami akong kakilala na mga kabataan na nakapagsimula ng mga negosyo na hindi naisip ng mga nakakatanda sa kanila. May mga nakapagsimula din ng mga pagbabago sa kanilang komunidad na hindi nagawa ng mga nauna sa kanila,” sabi pa ni Jimenez.

Hinihikayat niya ang taumbayan na huwag maliitin ang kakayahan ng mga kabataan na nangangarap maging lider sa kanilang hanay.

Sa darating na SK elections sa Mayo, ang mga mga rehistradong botanteng kabataan na may edad 18 hanggang 24 lang ang maaaring bumoto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?