20
ny-festiv
By

DAILY RADAR: GMA at ABS-CBN, humakot ng karangalan sa 2018 New York Festivals

Sharing is caring!

Parehong humakot ng karangalan ang GMA Network at ABS-CBN Corporation sa katatapos na awards ceremony ng 2018 New York Festivals World’s Best TV & Films sa Westgate Las Vegas Resorts & Casino kaninang umaga (US time), March 10.

Ang #TeamPilipinas ay nakatanggap ng 17 nominations. Nakakuha ang Kapuso Network ng 12 nominations, 4 sa Kapamilya at isa sa BG Productions International (for the film “Area” by filmmaker Louie Ignacio na pinagbidahan ni Ai Ai de las Alas).

Nakuha ng programang “Reel Time: Hawla [The Untold Story of the Village Monster”]) ng GMA ang karangalan bilang Gold World Medal sa kategoryang Health/Medical Information; at Gold World Medal din ang nasungkit ng ABS-CBN para sa kategoryang Coverage of Continuing News Story (“‘Di Ka Pasisiil [Never Shall Be Conquered]).

Dalawang Silver World Medals naman ang naiuwi ng Kapuso para sa kanilang mga programang “Alaala (Remember): A Martial Law Special” sa kategoryang Docudrama, at “Reel Time: Gutom (Starved) sa Human Concerns category.

Ang Silver World Medal ng ABS ay “Local Legends: Bandurria” for Cinematography.

Limang Bronze World Medal naman ang natanggap ng GMA. Ito’y kinabibilangan ng mga programang “EDSA 31st Anniversary Spot” para sa Graphic Design: Promotion/Open & IDs; “Brigada (The Brigade): Combat Camera Team” sa Current Affair category; “Reporter’s Notebook: Yapak Sa Pusod Ng Dagat (Footsteps On The Seabed”) for Community Portraits; Jessica Soho bilang Best News Anchor para sa newscast na “State of the Nation Address with Jessica Soho.”

Nag-iisang Bronze World Medal naman ang nakuha ng “To Love and to Save” ng ABS-CBN para sa kategoryang Station/Image Promotion.

Wagi rin si direk Louie Ignacio ng Bronze World Medal for Direction para sa “Area” ni Ai Ai de las Alas at produced ito ng BG Productions International ng producer na si Baby Go.

Ang mga programang hindi nakatanggap ng medal ay ginawaran naman ng finalist certificates tulad ng “Mukha: ‘Di Ka Pasisiil (Faces: Never Will Be Conquered”/ABS), Art Direction: Promo/Open & IDs (“Colorful Summer”/GMA); International Affairs (“i-Witness: Silang Kinalimutan (The Forgotten”)/GMA); News Program: “State of the Nation Address with Jessica Soho: Marawi Liberation: War is Over”/GMA; “i-Witness: Sundalong Aso (Soldiers with Paws”/GMA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?