205

Jul 17, 2019 @ 22:27
By

532 kilos ng double-dead meat nasamsam sa Divisoria

Nakumpiska ng Veterinary Inspection Board ang nasa 532 kilos ng double-dead meat o botcha sa Divisoria na may kabuuang halaga na P79,800.

Nasabat umano ang 28 na kahon ng mga botcha alas-2:15 ng hapon nitong Miyerkoles sa Elcano Street mula sa tip ng concerned citizen.

Ang double-dead meat ay karne na mula sa patay nang hayop na kinatay ng unaccredited meat establishment.

Hindi umano ligtas kainin ang mga karne na nagmula sa hindi accredited slaughterhouse, sabi ni Mayor Isko Moreno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?