80

Mar 18, 2020 @ 22:54
By

531 hotel rooms sa Maynila, libre para sa mga health worker

Isang executive order (EO) ang nilagdaan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na naglalayong tulungan ang mga empleyadong nagtatrabaho sa lungsod na apektado ng pagsuspinde ng pampublikong transportasyon sa buong rehiyon.

Ayon sa pinirmahan niyang EO No. 17, magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga frontliner at healthcare worker ang ilang mga hotel sa lungsod ng Maynila sa gitna ng enhanced community quarantine na ipinatupad sa buong Luzon.

Maaaring mamalagi ang mga frontliner at healthcare worker na nagtatrabaho sa mga district at national government hospital sa Maynila sa Hotel Sogo (421 kuwarto), Eurotel (50 kuwarto) at Town and Country Hotel (60 kuwarto).

https://www.facebook.com/ManilaPIO/posts/820566398428051

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?