47

Jan 21, 2021 @ 20:15
By

53 rider huli sa pagsusuot ng nutshell helmet

Tiniketan ng mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic ang may 53 rider dahil sa pagsusuot ng nutshell helmet.

Nahuli ang mga rider sa Cayetano Avenue, Barangay Ususan sa Taguig City noong Miyerkoles.

Ang paggamit ng nutshell helmet ay paglabag sa “Motorcycle Helmet Act of 2009”.

Sa operasyon ay isang rider din ang nahuling imbes sa ulo ay nakalagay sa braso niya ang helmet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?