95

Apr 6, 2018 @ 4:53
By

Dating MILF, huli dahil sa baril

Dinampot ng mga kagawad ng Autonomous Region of Muslim Mindanao-Regional Police ang dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF matapos na mahulihan ng baril.

Ang suspek na si Tato Ebrahim (43), dating miyembro ng MILF 105th base command ay naaresto noong Huwebes sa Barangay Tapian, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao matapos na silbihan ng search warrant na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim ng Cotabato City Regional Trial Court 12th Judicial Region.

Ang warrant ay may kinalaman sa paglabag ng suspek sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sinabi ni Police Chief Superintendent Graciano Mijares, regional director ng ARMM Police Regional Office, nakuha nila mula sa suspek ang isang kalibre 45 na baril, isang magazine at pitong pirasong bala.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng CIDG ARMM at nakatakdang iharap sa korte para sa kinakaharap nitong kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,