37

By

527 pasaway huli sa EPD ops

Umaabot sa 527 pasaway na mga residente ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) sa magdamagang simultaneous anti criminality law enforcement operation.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni EPD District Director SSupt. Bernabe Balba, patuloy ang pagsasagawa ng magdamang operasyon sa paghuhuli sa mga lumalabag sa batas at ang mga pasaway na residenteng hindi marunong sumunod sa ipinatutupad na ordinansa sa mga siyudad ng Pasig, San Juan, Mandaluyong at Marikina.

Nasa 41 katao ang inaresto na lumabag sa ordinansang drinking in public places, nasa 217 naman ang huli sa smoking ban, nasa 23 ang half naked cases o walang damit pang-itaas na kadalasan ay mga kalalakihan ang nahuli, nasa 14 ang nahuling kabataan na lumabag sa curfew habang nasa 232 naman ang huli sa iba pang kaso ng paglabag sa ordinansa na mahigpit na ipinatutupad sa EPD area.

Base sa tala ng EPD, nasa 262 ang nahuling lumabag sa ordinansa sa Pasig Police, nasa 163 naman ang Mandaluyong, 90 ang naaresto ng Marikina Police at nasa 12 tambay naman ang nahuli ng San Juan Police na pawang mga lumabag sa ordinansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?