614
bob-arum1
Apr 5, 2018 @ 16:14
By

Arum kay ‘Pacman’: ‘Wag matulog sa pansitan!

Taong 2016, llamadong-llamado si Manny Pacquiao. Paglipas ng tatlong taon, may tulog na si ‘The Pacman’.

Ayon ito sa dating boxing promoter ng 39-anyos na fighting senator na si Bob Arum, ang big boss ng Top Rank Promotions.

Ibinuking ni Arum na taong 2015 pa lamang ay niluluto na ang upakang Manny Pacquiao at Lucas Matthysse para sa taong 2016. Subalit hindi ito natuloy dahil natalo ang Argentinian kay Viktor Postol at namamayagpag pa noon sa ibabaw ng ruwedang parisukat ang ‘Pambansang Kamao’.

Ngayong sigurado na ang upakan ng dalawa sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia, patas na umano ang upakan.

Kaya hindi puwedeng matulog sa pansitan ang eight-division champion.

“I think he (Pacquiao) has a very good chance, very good chance, but he got to train very hard. And you know, maybe a couple of years ago, Manny would be a big favorite but now it is a pretty even fight,” ani Arum.

Tingin pa ng bosing promoter, pahihirapan ni Matthysse, kasalukuyang WBA 147-pound champion, si Pacquiao kaya dapat maging preparado ito.

“[Matthysse will give him] a very good run for his money and it’s a tough fight for Manny, but hopefully he will be successful,” panapos ni Arum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?