70
bir
Apr 4, 2018 @ 20:07
By

3 negosyante inireklamo ng tax evasion ng BIR

Hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tatlong negosyante dahil sa kabiguan ng mga itong magbayad ng tamang buwis.

Kinilala ang mga respondent na sina Jose Dyquiangco Jr, Wilson Gabuten Tan at Lemuel Sibuma Consolacion na ipinagharap ng reklamong paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code.

“The respondents’ obstinate failure and continued refusal to pay their long overdue deficiency taxes, despite repeated demands, constitute willful failure to pay the taxes due to the government,” batay sa pahayag ng BIR.

Si Dyquiangco na isang soft drinks dealer at nakabase sa San Fernando City, La Union ay hinahabol sa tax liability na P9.3 million para sa taong 2007.

Si Tan na nasa negosyo ng tobacco trading sa Cabugao, Ilocos Sur ay inireklamo naman dahil sa P2.7 million na pagkakautang sa buwis noong 2009.

Nais naman ng BIR na mapanagot si Consolacion, may-ari ng North Med Enterprise na nagsusuplay ng pharmaceutical products sa La Union, dahil sa pagkakautang sa buwis na aabot sa P3.4 million dahil kulang umano ang binayaran niyang Value Added Tax para sa taong 2015 hanggang 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?