53

Sep 28, 2019 @ 15:50
By

52 sumukong convict, pinalaya na

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalaya sa 52 convict na sumuko kasunod ng 15 araw na ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga heinous crime prisoner na ginawaran ng maagang pagpapalaya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Sa isang pahayag, sinabi ni DOJ spokesperson Undersecretary Markk Perete, na sa kumpirmasyon ng Bureau of Corrections (BuCor), napalaya na ang unang dalawang batch ng convicts nitong Biyernes, Setyembre 27.

Ang nasabing bilang ng mga PDLs ay kinabibilangan ng mga nagawaran ng parole o pardon na hindi bahagi ng nakuwestiyong GCTA.

“BuCor has confirmed the release of the first two batches of 52 PDL-surrenderers yesterday,” ani Perete.

Ani Perete, agad na pinalaya ang mga convict na naninirahan sa loob ng Metro Manila habang inaayos na ng ahensya ang transportasyon ng mga uuwi naman sa probinsya.

Pare-pareho silang binigyan ng mga sertipiko gaya ng proof of release na hindi maaaring isapubliko o iharap sa media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?