35

Jan 2, 2018 @ 17:51

52 pts ni DeRozan kumitil sa Bucks sa OT

Nakaiskor ng franchise-record 52 points si DeMar DeRozan sa pagkitil ng Toronto Raptors sa Milwaukee Bucks, 131-127, sa overtime nitong Lunes (Martes, Manila time).

Naipantay din ng Raptors ang team record nilang 12 sunod na panalo sa kanilang teritoryo.

Ikatlo na si DeRozan sa mga players ng Raptors na nakaiskor ng 50 plus sa isang laro.

Ang dalawa ay sina Vince Carter at Terrence Ross, na may tig- 51 point bawat isa.

Nabigyan na ni Fred VanVleet ang Toronto ng magandang kalamangan dahil sa pinukol na 3-pointer sa 3:51 ng OT, pero hindi pa tapos si DeRozan at nagpakawala pa ng jump shot, kaya’t umakyat sa apat ang abante ng koponan, 121-117.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?