11

Mar 5, 2021 @ 14:26
By

52 Pinoy sapul ng South Africa Covid variant; 31 pang indibidwal nagpositibo sa UK variant – DOH

Naitala ng Department of Health (DOH) ngayong araw ang 52 karagdagang kaso ng mga Pinoy na nasapul ng South Africa COVID-19 variant sa bansa.

Ayon sa press release ng naturang ahensya,
41 dito ay mula sa National Capital Region (NCR) samantalang tinutukoy pa ang pinagmulan ng 11 kaso.

Kasabay nito, naitala rin ng DOH ang karagdagang 31 bagong kaso ng nasapul ng United Kingdom COVID-19 variant sa bansa.

Anila, 28 rito ang nagmula sa NCR samantalang tinutukoy pa ang kung lokal o returning overseas Filipino ang tatlong indibidwal.

Tiniyak nman ng DOH ang publiko na patuloy nilang paiigtingin ang kanilang koordinasyon sa mga LGU upang mapigilan ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“The DOH and its concerned Centers for Health Development is coordinating with the Metropolitan Manila Development Authority and Local Government Units (LGUs) in NCR and Region 7 to institute measures to contain further transmission of these variants and mutations,” saad nila sa pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?