45

52 biktima ng human trafficking nasagip

Iligal sanang papupuntahin at pagtatrabahuin sa Dubai at Taiwan ang 52 babae na na-rescue ng mga awtoridad sa Puerto Princesa International Airport.

Ayon sa National Bureau of Investigation – Palawan, sa ulat ng GMA News, inabangan nila sa airport ang mga babae na tourist visa ang bitbit at galing pa diumano sa iba’t ibang probinsya sa bansa.

Hindi masabi ng isang biktima mula Zambales kung sino ang nag-recruit sa kanya at ano ang trabahong papasukin abroad.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI-Palawan bagaman tukoy na umano nila ang pagkakakilanlan ng recruiter.

Tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development na tutulungan ang mga babae na makauwi sa kani-kanilang lalawigan.-

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?