73

Sep 21, 2019 @ 21:06
By

52 baboy isinuko ng may-ari

Boluntaryong isinuko ng isang may-ari ng babuyan ang natitira pa niyang 52 alagang baboy matapos mamatay ang 33 sa mga ito.

Ayon sa Balitanghali Weekend report, sinurender ni Alejandro Roque ang kanyang mga baboy sa Malolos City Veterinary Office sa takot na mahirapan siya sa disposal ng mga ito sakaling mamatay sa African swine fever.

Hindi naman umano nangako ang city government na babayaran ang mga sinurender na baboy, pero ayon kay Roque, sinabi sa kanya ng kanilang barangay captain na makakatanggap siya ng kabayarang P3,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?