4

Oct 21, 2020 @ 21:01
By

51 OFW sa UAE binigyan ng pardon

Nasa 51 OFW na mga nahatulan sa iba’t ibang kaso sa United Arab Emirates (UAE) ang binigyan ng pardon.

Ayon kay Presidential Adviser for OFW and Muslim Concerns Secretary Abdullah Mamao, matapos iyon ng mga negosasyon sa iba’t ibang opisyal sa UAE.

Aniya, 30 OFW na dating inmate ay dumating na sa Pilipinas at nakapiling na ang kanilang pamilya habang ang 21 ay inaayos pa ang kanilang mga dokumento para sa repatriation.

Kabilang sa mga kaso ng 51 OFW ay adultery, iligal na droga at mga petty offense.

Ani Mamao, hindi pagpapalitan ng bilanggo ang nangyari matapos palayain ng gobyerno ang dalawang UAE national na nahatulan ng rape sa Baguio City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,