107
facebook
Sep 29, 2018 @ 11:33
By

50M Facebook account napasok ng mga hacker

Kinumpirma ng Facebook na nagkaroon ng malakihang security breach sa kanilang database nang 50-milyong user account ang na-access ng ilang mga hacker.

Nagkaroon umano ng kontrol ang mga attacker sa tinatayang 50 account sa Facebook, kasama na ang 40 milyon na ‘vulnerable’ o madaling pasukin ng mga umatake sa sikat na social media site.

“We do not yet know if any of the accounts were actually misused,” saad ng Facebook CEO na si Mark Zuckerberg.

Hindi naman umano kailangang magpalit ng password ng mga Facebook users dahil inalerto na ng kompanya ang FBI at ilan pang security agency sa Amerika at Europa.

Sinabi ng Facebook na ang pangunahing dahilan ng pag-atake ay ang mga bug sa ‘View As’ feature ng nasabing site. Ginamit umano ito ng mga attacker upang manakaw ang ‘digital keys’, o ‘access tokens’, na kapag nakuha ay maaari nang makakuha ng access sa mga accounts.

Hindi pa naman alam ng Facebook kung sino ang target ng mga hacker sa ginawang data breach, at hindi pa rin nila tukoy kung sino o anong grupo ang nasa likod nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?