7

Aug 3, 2020 @ 19:41

50K katao maliligtas sa COVID-19 dahil sa MECQ – UP expert

Para sa ilang eksperto, malaki ang impact ng pagpapairal muli ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa.

Sa televised Palace press briefing, sinabi ni UP professor Ranjit Rye na 50,000 hanggang 70,000 ang mababawas sa inaasahang bagong maitatalang coronavirus case hanggang katapusan ng Agosto dahil sa MECQ.

Batay sa kanilang projection, papalo sa 220,000 ang COVID-19 case nationwide sa katapusan ng buwan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) pero sa pagbabalik sa MECQ, tingin niya’y mababawasan ito ng 50,000 hanggang 70,000.

“Dahil naka-MECQ tayo, bababa between 50 (thousand) to 70,000 ang bagsak ho, minus doon sa mga bagong kaso. So malaki pong impact itong MECQ,” ani Rye. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?