295
hiv
Apr 1, 2018 @ 13:05
By

40 kabataan, nag-positibo sa HIV – solon

Apatnapung bata at teenagers na may edad 10 hanggang 19 ang kabilang sa 1,021 pinakabagong mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, base sa tala ng Department of Health HIV-AIDS Registry.

Ikinaalarma ito ni AANGAT TAYO partylist Rep. Harlin Neil Abayon III lalo’t karamihan sa mga batang infected ay nakuha ang sakit sa pakikipagtalik. Dalawa lamang sa mga ito ang nakuha ang sakit sa mother-to-child transmission.

“As a registered nurse, I am deeply troubled by these figures because even the post-millennials are getting HIV and getting it through sexual intercourse,” sabi ni Abayon.

Dahil dito’y iginiit ng kongresista ang mahigpit na implementasyon ng Reproductive Health Law sa barangay level katuwang ang mga paaralan at mga magulang.

“These statistics and the individual case files are clear evidence requiring the full implementation of the Reproductive Health Law at the barangay level and with the involvement of schools and parent-teacher associations,” ayon ka Abayon.

Sa datos ng DOH, nasa Metro Manila ang 45 porsiyento ng lahat ng HIV cases na mga lalaking nahawa sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki habang sa Central Visayas ay may 17 porsiyento na nakuha ang sakit dahil sa hiraman ng mga karayom sa drug injection.

Sa Central Luzon, karamihan sa HIV cases ay dahil sa prostitusyon o iyong tinatawag na transactional sex cases.

Animnapu’t walong overseas Filipino workers (OFWs) rin ang nag-positibo sa HIV noong Enero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?