49

Dec 2, 2019 @ 17:29
By

505 bagong kaso ng HIV naitala sa QC

Nabahala na si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) na naitala sa kanilang lungsod.

Umabot na ito sa 505 mula Enero hanggang Hulyo nitong taon. Sa bilang na ito, 486 ang lalaki habang 19 ang babae.

Bunga nito, ilulunsad ng QC local government ang “Zero at 2030” campaign.

Layon nito na mapigilan ang pagkalat ng HIV sa pamamagitan ng prevention, control at treatment.

Ayon kay Belmonte, target nila ang 90 porsiyentong pagsunod ng mga residente nilang may HIV na magpagamot at iyong nagpapagamot na, na ipagpatuloy ito.

“This way, we can reach the goal of zero new cases, zero HIV-related deaths and zero discrimination by 2030,” anang alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?