22

Apr 11, 2021 @ 17:44
By

500K Sinovac bakuna dumating sa ‘Pinas

Lumapag na sa Pilipinas ang karagdagang 500,000 dose ng Sinovac vaccine nitong Linggo ng hapon.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang commercial flight (PR359) ng Philippine Airlines bandang 5:18 ng hapon, bitbit ang mga bakuna.

Ang naturang bakuna ay mula sa mga biniling supply mula sa Sinovac, na may total na 25 milyong dose.

Matatandaan na noong Marso ay dumating na ang 1 milyong dose mula rin sa procurement ng national government.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?