86

Dec 14, 2017 @ 17:51
By

500K pounds nabawas sa ‘war on obesity’ ng PNP

Kabuaang 500,000 pounds o libra ang nabawas sa timbang ng Philippine National Police nationwide.

Ayon Kay Chief Supt. Noli Taliño, Director ng Directorate for human resource and doctrine development, ito ay kaugnay ng Mission Slim Impossible Program ng pambansang kapulisan.

Sabi ni Taliño, ang pagbabawas ng timbang ng mga pulis Ay Hindi lamang para maging mas “physically fit” ang mga pulis sa kanilang trabaho, kundi para narin sa kanilang personal na kalusugan.

Nagpaabot naman ng papuri si Talino dahil sa mainit na pagtanggap ng mga pulis sa hamon na magbawas ng timbang, kung saan nakapagtala ng total weight loss na 625,637 pounds nationwide ang PNP, na higit pa sa 500,000 pound target.

Kinilala rin ang mga police units na nakapagtamo ng pinakamalaking weight loss base sa target na ibinigay sa kanila.

Kabilang sa mga ito ang PRO 2 na 352 percent ng kanilang target ang na-achieve na weight loss, PRO 11 na 323 percent, PRO 5 na 218 percent, at PRO 10 na 184 percent.

Sa National Headquarters naman, ang mga units na may pinaka magandang weight loss performance ay DRD o Directorate for research and development na natamo ang 353 percent ng kanilang target, Directorate for controllership na 300 percent, HSS o Headquarters support service na 208 percent, at PRBS o personnel and retirement benefits system na 162 percent. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?