112

Jan 3, 2018 @ 14:58

500 sundalo magbabantay sa prusisyon ng Black Nazarene

Magpapadala ang Armed Forces of the Philippines ng 500 sundalo para magbantay sa pagdiriwang ng piyesta ng Itim na Nazareno sa Quiapo sa Enero 9.

Ayon kay Brigadier General Allan Arrojado, Joint Task Force National Capital Region commander, wala pa sila sa red alert status dahil wala naman umanong namo-monitor na banta sa pagdiriwang ng Black Nazarene.

Ayaw namang sabihin ni Arrojado kung saan ipapakalat ang 500 sundalo

“Hindi muna namin sabihin basta makita n’yo kung saan ang mga Armed Forces nakadeploy,” sabi ni Arrojado sa mga reporters.

Ang Philippine National Police naman ay magpapakalat ng 5,000 pulis para bantayan ang milyong deboto makikiisa sa prusisyon ng Black Nazarene.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?