58

Dec 29, 2018 @ 20:57

500 piraso ng iligal na paputok nakumpiska sa Divisoria

Nasa 500 na piraso ng illegal firecrackers ang nasabat nitong Sabado sa ginawang pag-iinspeksiyon sa Divisoria ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar.

Ang ginawang paglilibot ni Eleazar ay para sa New Year at Traslacion ng Black Nazarene.

Tinatayang nasa P30,000 umano ang kabuuang halaga ng nakumpiska na kinabibilangan ng piccolo, Judas belt at five star.

Nadiskubre ni Eleazar na ang naturang mga paputok ay iligal na ibinebenta sa mga bangketa ng Divisoria nang suriin niya ang kaayusan sa lugar kasama si Manila Police District Director Vicente Danao Jr.

Binisita rin ng hepe ang Baclaran. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?