11

By

500 Pinoy ligtas sa lindol sa Haiti – DFA

Sharing is caring!

Wala sa 500 Filipino na nasa Haiti ang kabilang sa mga namatay o nasaktan sa magnitude 5.9 earthquake na yumanig sa naturang bansa.

Ito ang inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) base sa impormasyon mula kay Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.

Ayon pa sa opisyal patuloy ang ginagawa nilang monitoring sa pamamagitan ni Philippine Honorary Consul Fitzgerald Brandt.

Pagtitiyak pa ni Romualdez bibigyang tulong ang mga Filipino na maaring naapektuhan ng lindol.

Kasabay nito, nagpa-abot na ang DFA ng mensahe ng pakikiramay sa gobyerno ng Haiti kaugnay sa lindol na nagresulta sa pagkamatay ng 12 katao at pagkakasugat ng mahigit 180.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?