74

Mar 5, 2020 @ 18:35
By

500 Pinoy crew stranded sa barko sa California

Kabilang ang 500 Pinoy crew sa ilang libong sakay ng isang cruise ship sa California na minomonitor ngayon sa posibleng pagkakahawa sa new coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Magsaysay People Resources Corp. President-CEO Marlon Roño ngayong Huwebes, Marso 5, hinihintay na nila ang test results na kinondukto sa mga stranded na pasahero.

Tiniyak naman niyang ligtas ang mga Pinoy crew.

Pinagpaliban ng US officials ang pagbalik ng Grand Princess sa San Francisco mula Hawaii para tingnan kung may tinamaan ng COVID-19 sa mga pasahero.

Ito, matapos mamatay sa naturang sakit ang 71-anyos na lalaking pasahero, ayon sa operator Princess Cruises.

Ang Grand Princess ay pagmamay-ari ng Princess Cruises, na siyang kompanya na nag-operate ng ni-lockdown na Diamond Princess cruise ship sa Japan noong nakaraang buwan.

Ayon kay California Governor Gavin Newsom, nasa 11 pasahero at 10 crew member ang inisyal na nahawa sa COVID-19 sa barko na may nasa 2,500 aniyang sakay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?