59

Apr 27, 2020 @ 23:03
By

500 Pinoy COVID patient puwedeng sumalang sa clinical trial ng WHO

Inihayag ng Department of Health (DOH) ang criteria ng mga pasyenteng maaaring sumali sa isasagawang clinical trial ng World Health Organization (WHO) para sa pagtuklas ng gamot sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Unang Hirit, unang-unang kuwalipikasyon ay dapat na 18 years old pataas at walang contradictions ang pasyente.

“Wala silang pre-exisiting [condition], tapos ang gamot na [ibibigay] ay makakaapekto sa kanila, ‘di po ‘yon ibibigay sa kanila,” aniya.

Pinakamahalaga aniya sa lahat ay dapat pumayag ang pasyente sa terms and conditions.

“Kailangan alam ng pasyente, na papayag siya doon sa pamantayan na meron tayo para dito sa gamot na ibibigay sa kanila kung sila ay merong COVID-19,” saad ni Vergeire.

Nasa 20 na ospital ang magpa-participate Solidity Trial ng WHO kung saan ite-test kung epektibo ang apat na gamot laban sa COVID-19.

Kabilang sa gamot ang Remdesivir, antimalarial drug na Chloroquine o Hydroxychloroquine, mga gamot sa HIV na Lopinavir with Ritonavir, at Lopinavir with Ritonavirplus Interferon beta-1a.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?