8
liquor-gun
By

500 lumabag sa election gun ban, liquor ban huli sa MM

Sharing is caring!

Mahigit sa 500 ang dinakip sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila dahil sa mga krimen na may kinalaman sa ginanap na halalang pambarangay at Sangguniang Kabataan.

Sa report ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nahuli sa Oplan Sita at sa mga election checkpoint ang 409 na lumabag sa Omnibus Election Code.

Ang mga ito ay nahulihan ng baril, bala ng baril, pampasabog, baril-barilan at patalim na ipinagbabawal bitbitin kapag may eleksyon kahit pa lisensyado.

Kabilang din dito ang ilang nahuli na namimili ng boto, nanakot ng botante at nasangkot sa away dahil sa eleksyon.

Kabilang dito ang mga nagbugbugan sa San Andres Bukid, Maynila at vote-buying sa Maharlika, Taguig.

May bukod na 77 na dinakip dahil lumabag sa liquor ban.

Nasamsam naman ang 126 iba’t ibang uri ng baril, 4 granada, 8 replica ng baril, 186 bladed weapons at 453 assorted na bala.

Pinuri ni PNP chief Director General Oscar Albayalde ang NCRPO dahil produkto aniya ito ng masigasig na pagbabantay ng mga pulis nitong idinaos na eleksyon kung saan itinaas ang full alert status ng buong PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?