240

Oct 13, 2017 @ 17:15

500 HPG magbabantay sa ASEAN Summit 2017

Limang daang mga tauhan ang ipapakalat ng Philippine National Police Highway Patrol Group para tumulong sa pagpapatupad ng seguridad sa gagawing 31st ASEAN Summit na gagawin sa susunod buwan.

Ayon kay PNP HPG Spokesperson Senior Inspector Jem Delantes nagmula pa sa kanilang mga regional offices ang karamihan sa limang daang PNP HPG Personnel.

Babatayan ng PNP HPG personnel ang 28 head of states na dadalo sa naturang event.

Bawat isang head of state ay babantayan ng siyam ng PNP HPG personnel, kung saan lima ay motor riders at apat naman sa dalawang mobile patrol.

Tig-aapat na HPG personnels ang itatalaga sa  mga darating na mga ministers, delagates at head of states spouses.

Ayon pa kay Delantes, all set na ang paghahanda ng PNP HPG para sa gagawing summit.

Sa katunayan  nakapagsagawa ng route familiarization kasama ang mga tauhan ng MMDA sa mgaa lugar gagamitin para sa okasyon. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?