3

Aug 5, 2020 @ 12:29
By

500 Coast Guard frontliner gumaling sa COVID-19

Nakarekober na ang 500 personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“We give thanks and glory to God for His unfailing grace to our frontline personnel who have recovered and returned to service, as well as to our fellow Filipinos who include our health and safety in their daily prayers,” ayon kay PCG commandant Admiral George V. Ursabia Jr.

Kasabay nito, sinabi ni Ursabia na pinasasalamatan niya ang lahat ng nanalangin para sa mabilis na pagrekober ng mga PCG frontliner na dinapuan ng COVID-19.

Samantala, mayroon pang 146 aktibong kaso at asymptomatic na personnel ng PCG ang patuloy na minomonitor at kinakalinga para sa mabilis na paggaling mula sa COVID-19.

Sa kabila aniya nito, patully pa rin ang mga PCG frontliner sa pagbibigay ng serbisyo sa mga umuuwing overseas Filipino worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?