22

Jun 23, 2020 @ 17:30
By

50 stranded Pinoy sa Amsterdam tinulungan ng Embahada

Tinulungang makauwi ng Philippine Embassy sa The Hague, Netherlands ang 53 Pinoy na na-stranded sa Schiphol Airport sa Amsterdam.

Sa isang pahayag ngayong Martes, sinabi ng Department of Foreign Affairs na na-stranded ang mga Pinoy sa nasabing paliparan matapos makansela ang kanilang flight to Manila via Tokyo.

Parte umano ang mga Pinoy sa grupo ng mga seafarer mula iba’t ibang sasakyan na nakatakdang sumakay sa connecting flight sa Narita Airport.

Nakabalik umano ang mga ito sa Pilipinas kinabukasan via special repatriation flight sa tulong ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs at ng Intelligence and Security Unit.

Sa partikular, 46 sa mga nabanggit na Pinoy ang inasistehan ng embassy personnel habang ang 7 iba pa ay sumakay sa ibang flight na inayos ng kani-kanilang employer.

Bukod dito, nagbigay umano ang embahada ng cash aid sa 53 Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?