6

By

50 puno, kubo winalis ng buhawi sa Basilan

Sharing is caring!

Isang buhawi ang tumama sa bayan ng Basilan ngayong Sabado.

Pinatumba nito ang 50 na matitikas na puno at winarak ang mga kubo at copra driers sa Barangay Baas sa bayan ng Lamitan.

Wala namang naiulat na sugatan sa insidente na tumagal umano ng limang minuto, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office-Lamitan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?